Production Assistant of the Year Award
Kung may ganitong category sa kahit anong award giving body, hindi ako magdadalawang isip na inominate ang sarili. Sa loob ng halos 6 na buwan, kahit na mahigit 100 episodes palang ng isang daily show ang nagagawa ko, feeling ko isa na akong beteranong Production Assistant sa hirap ng sakripisyong binigay ko. Ang pasukin lang ang isang bagay na alam mong hindi mo naman gusto pero alam mo ding nageexcell ka pa rin dito, isang malaking award na dapat ang katumbas. Idagdag mo pa na gumagawa ka ng mga bagay na hindi naman parte ng job description mo. Pero siyempre gagawin mo yun para sa ikagaganda ng show niyo.
Ang mahirap lang, parang unappreciated pa yung pagod mo, dedication, yung mga araw na wala kang tulog, tapos babansagan ka pang ‘sinungaling’ behind your back. Isang false accusation. Walang Basis. Walang Pruweba. Sobra na. Hindi ka na nga masaya sa ginagawa mo, hindi ka lalong gaganahan sa trabaho mo kung ganun ugali ng katrabaho mo.
- 09.19.11
- 1
-
hihellokatrina said:
nikko, mag graphics / editor ka na lang dito samin. small network pero carry na carry mo. :D
-
lagunaboy posted this
